Monday, 19 September 2011

Meycauayan Apartment

Ang lungsod ng Meycauayan ay matatagpuan sa lalawigan ng Bulacan. Ito ay isang primera klaseng lungsod na binubuo ng 26 na barangay. Sinasabing ang pangalang “meycauayan” ay nagmula sa wikang tagalog na “may kawayan” dahil sinasabing noon ang lugar ay sagana sa mga puno ng kawayan. Patunay rin dito ang tungkol sa isang matandang alamat kung saan mayroong dalawang tribo ang nagnanais ng mas higit na naaakupan at kapangyarihan kung kaya’t hindi nagtagal ay nagtakda ang isang pangkat ng isang labanan. Sa pagpapatuloy ng kanilang hidwaan doon nila unti-unting natuklasan ang lugar na sagana sa mga puno ng kawayan at doon nagsimula ang “pook ng kawayan”. Hindi lamang mayaman noon sa mga kawayan ang lugar ng Meycauayan bagkus maging sa mga batong adobe na siyang pangunahing materyales sa paggawa at pagpapatayo ng mga gusali sa bayan gayundin sa Maynila, magandang halimbawa dito ang sikat na moog ng Intramuros at Katedral ng Maynila.
Leather Products | Meycauayan City 
Minsan ding nagdaan sa pagiging isang malaki at simpleng bayan ang Meycauayan, tulad din sa kasaysayan ng marami pang lungsod sa bansang Pilipinas. Sa pagpasok ng ilang dekada naging senyales ito ng isang bagong pag-asa sa pagusbong ng bayan. Nagkaroon ng rehabilitasyon at pagpapatayo ng mga imprastruktura upang tugunan ang paglago ng iba’t-ibang industriya sa bayan. At kalaunan naging inspirasyon ito upang subukan ng bayan na iakyat ang estado nito sa pagiging siyudad ngunit sa kasawiang palad sa una’y natalo ito. Ngunit hindi ito naging dahilan upang sumuko ang bayan ng Meycauayan na umakyat sa pagiging isang maunlad na lungsod sa probinsiya ng Bulacan dahil makalipas lamang ang ilang taon nakamit na nito ang minimithing basbas na ganap na lungsod. Dito umusbong ng tuluyan at nakikilala ang lungsod ng Meycauayan bilang sentro ng Industriya ng Pag-aalahas sa Pilipinas, maging ang mga industrial compounds and parks ay kasabay din nitong nakikilala. Sa pagdaan ng maraming panahon hanggang sa kasalukuyan naging bantog ang lugar na ito dahil mahusay na paggawa ng mga magagandang alahas sa murang halaga. Naging sikat din itong pagawaan ng mga leather goods, tulad na lang mga sapatos, bags at iba pa na isang patunay ng hindi matatawarang kakayahan ng mga mangagawa ng Meycauayan kahit pa lumipas ang maraming taon. Sa kasalukuyang panahon naging isa ito sa mga pangunahing economic centers ng probinsiya ng Bulacan kung saan matatagpuan ang ilang industrial compounds and parks tulad ng Meycauayan industrial subdivisions, meridian industrial compound, muralla industrial project, first Valenzuela industrial compound at sterling industrial park. Pumasok na rin sa lungsod ang mga modernong commercial complex gaya ng Puregold Meycauayan, Aliw complex, Market place Arcade, Esperanza mall, Maritel at iba pa. Isang patunay ng mabilis na pagusbong at pag-unlad ng lugar mula sa pagiging isang simpleng bayan noon at ngayo’y isang bigating lungsod. Hindi rin ito pahuhuli sa mga ibang lungsod sa paghahatid ng mga pangunahing serbisyo na angkop para sa mga turista ito man ay ay lokal o banyaga. Nariyan ang Meycauayan Apartment na naghahatid ng isang ligtas na lugar, tahimik na kapaligiran at higit sa lahat abot-kayang presyo para sa isang makabuluhang pamamasyal at pagbisita sa lugar.



Location

Meycauayan City is a first-class highly urbanized city in the province of Bulacan. Today it is bordered by the town of Marilao to the north, Valenzuela City to the south, northern part of Caloocan City to the east and the town of Obando to the west.

Location map showing Meycauayan City

No comments:

Post a Comment